Napapaisip ka ba kung kailan dapat pumasok o lumabas sa trade? Gawin nating mas matalino ang bawat desisyon gamit ang Relative Strength Index (RSI) – ang bago mong compass sa trading!
Sinusukat ng RSI ang momentum gamit ang scale na 0 hanggang 100.
Ang Relative Strength Index ay isang momentum oscillator na sumusukat sa bilis at pagbabago ng galaw ng presyo. Gumagalaw ito mula 0 hanggang 100 at ginagamit para matukoy kung ang isang asset ay overbought o oversold. Para itong ECG ng market – ipinapakita nito kung masyado nang mabilis o mabagal ang tibok ng presyo.
Madali lang i-activate ang RSI. Pumunta sa Indicators section, piliin ang RSI, at automatic itong lalabas bilang chart overlay.
Kadalasang ginagamit ang 14-period timeframe, pero puwede mo itong i-adjust depende sa trading style mo.
Ang RSI mahigitg 70 ay Overbought at posibleng panahon para mag-Put (asahan ang pagbaba ng presyo). Ang RSI mababa sa 30 ay Oversold at posibleng panahon para mag-Call (asahan ang pagtaas ng presyo). Ang tunay na magic ay nasa gitna. Obserbahan ang RSI line kung paano ito lumalampas sa mga threshold para malaman kung saan patungo ang market.
Ang overbought condition ay parang red flag na posibleng mag-correct ang market.
Kapag ang RSI ay umakyat lampas 70, senyales ito ng posibleng pagbaba ng presyo. Maaaring magandang pagkakataon ito para mag-lock in ng kita o maghanap ng shorting opportunity.
Kapag ang RSI ay bumaba sa 30, posibleng senyales ito na undervalued ang asset at maaaring tumaas ang presyo. Magandang timing ito para bumili o mag-Call.
Bullish Cues: Mag-Call kapag ang RSI ay tumawid pataas sa 30 – senyales ng papataas na momentum.
Bearish Cues: Mag-Put kapag ang RSI ay bumaba mula sa 70 – senyales ng posibleng reversal pababa.
Ang RSI ay isang mabisang tool para makita ang galaw ng market at matukoy ang tamang entry at exit points. Gamitin ito bilang guide para mas umangat ang trading mo. Tandaan, practice makes perfect – kaya simulan mo nang gamitin ang RSI sa trades mo ngayon!